Wednesday, March 13, 2013

BUHAY SILAHIS PART !

Part 1


Nakapagtapos na ako ng elementary. sigurado naman na iisang high school lang ang papasukan namin nila Vic. wala na akong pakialam kung magkukrus uli ang landas namin ni Marlon na naniniwala na isa "raw" akong bading na katulad niya.

Unexpectedly ay magkaklase kami uli ni Vic. wala na akong balita kina Bryan at JM. inisip ko na lang na baka pang umaga sila kaya hindi kami nagkikita. naging close pa rin ako sa mga kaklase kong babae na kabaitan at kagandahan pa.

Ung isa sa mga kaibigan kong babae na kaklase ko rin na si Leslie ay umamin sa akin na crush niya ako. naappreciate ko yun ng sobra at hinahangaan ko rin naman siya because of her intelligence. naging close kami ni Leslie. pero never dumating sa point na niligawan ko siya.

Ung friend ko si Vic ay pakiramdam ko ay lumalayo na sa akin. kung sabagay eh may nililigawan siya na kaklase ko rin. hindi man katangkaran si Vic ay confident siya na mapapasagot niya si Anna na kanyang nililigawan. pero walang napala si Vic sa panliligaw niya dahil binasted siya ni Anna.

hanggang sa second year na ako. nasa ibang section na napunta si Vic. pero inisip ko rin na baka nagpalipat siya ng pang umaga. panghapon pa rin ako. pero ok lang dahil may nakikilala akong mga kaibigan sa section ko. mababait naman sila. until may isang guy na ang umagaw sa atensyon ko. napaka puti at napaka gwapo na akala mo may dugong foreigner.

nagpakilala ang maputi kong kaklase at sinabing Von ang name niya. kung nawala man si Vic ay si Von ang pumalit. nakakatuwa si Von dahil magaling rin siyang singer. at maraming nagsasabi na artistahin daw ito. inamin ni Von na gusto niya maging Pari balang araw.

naging friend ko rin si Gracia na classmate ko. mabait siya at may pagka relihiyosa. kung si Von ay gustong maging pari, si Gracia naman ay gustong maging madre. naalala ko tuloy ung koreanovela na "love letter" at yung characters nina Angela at Ivan. kung tutuusin, bagay sina Von at Gracia.

Happy ako sa friendship namin ni Von. kumportable kami sa isat isa. pakiramdam ko at unting unti na nagkakatotoo ang sinabi ni Marlon noon na isa nga akong bakla dahil parang feeling ko ay hindi ako kuntento na friends lang kami ni Von.


 

third year na ako nung naramdaman ko na crush ko si Von. hindi ko ito sinabi sa kanya dahil ayoko masira ang friendship na inaalagaan namin. hindi na kami magkaklase ni Von at pakiramdam ko may nagbago sa kanya.

hindi na niya ako pinapansin pa. wala naman akong nagawang pagkukulang o pagkakamali para magkaganon siya. halos ginawa ko na rin ang lahat ng paraang alam ko at makakaya ko para lang maibalik ang friendship namin ni Von.


Pero sa kasamaang palad, napunta rin sa wala ang lahat.
pinalaya ko na ang sarili ko that time. sa palagay ko kaya nagbago na si Von sa akin ay aware na siya sa lihim na paghanga ko sa kanya. kaya siya na lang ang umiiwas at lumalayo. pero tuloy pa rin ang buhay sa kabila ng pagkawala ng isang kaibigan. nagkaroon ako ng bestfriend na babae (na itago sa pangalang Thea) sa section namin at inopen ko sa kanya ang lahat ng problema ko that time.

pero kahit hindi na kami friends ni Von, ay naging friends ko naman ang ibang kaklase niya. sina Emmy, Kris, Cleo at Lani ang mga kaklase ni Von na naging bago kong mga kaibigan. they promise na they will do everything para bumalik lang sa dati ang friendship namin ni Von.

Until one time ay may nakaaway akong babae na classmate pala ni Von. hindi lang basta classmate kundi close friend pala din niya ito. naging bitter ako sa kanya but after few days ay nagkaayos din kami ng close friend ni Von na si Abi. Abi also promised me na she will do everything para maging ok kami uli ni Von.

Hindi na ako umasa sa pangako na yun ni Abi. ang importante ay ok na kaming dalawa. nawala man si Von sa mga naging kaibigan ko ay may naging kaibigan ako sa section namin na kagwapuhan din at hindi siya ilang sa akin kahit nalaman niya na isa na akong beki.

No comments: