Wednesday, March 13, 2013

BUHAY SILAHIS PART 2

 
Nagkaroon na ako ng kaibigang lalaki sa section namin. nawala man si Von ay dumating naman si Glenn. napakabait niyang tao. napakafriendly niya. hindi siya tulad ng ibang lalaki na pag bakla ang kaibigan ay todo iwas na akala mo kung sinong kagwapuhan.

napakabait talaga ni Glenn. kinakausap niya ako at pinagtapat niya sa akin na crush niya ang isang classmate namin na babae na si Shin na crush ko rin naman dahil sa ganda nito. ako pa lang daw ang unang nakakaalam non. swerte ko naman dahil hindi ko inexpect na ipagkakatiwala sa akin ni Glenn ang ganong sikreto.

hindi aware si Shin na lihim akong humahanga sa kanya. magkaibigan kami ni Shin nagkukuwentuhan kami ng tungkol sa mga bagay bagay. minsan related sa studies ang pinag uusapan namin. naisip ko na hindi na dapat ilihim ni Glenn ang paghanga niya kay Shin. may itsura naman si Shin at ganon din si Glenn. hindi ko alam kung bakit ganon si Glenn. may pagkaTORPE kaya si Glenn kaya hindi siya vocal sa paghanga niya kay Shin?

bilib ako kay Glenn dahil nirerespeto niya ako sa tunay na ako. hindi siya tulad ng ibang lalaki na pag bakla ang kaharap ay kabastusan na ang lumalabas sa bibig. kung tutuusin ay palagay naman ang loob namin ni Glenn sa isat isa. i can hug him anytime if i want to. pero pinapahalagahan ko kasi ang friendship namin ni Glenn. ayoko mawala ang friendship namin ni Glenn. ayoko nang mangyari sa amin ni Glenn ang nangyari sa amin ni Von.

Fourth year na ako. hindi na ako nakapasok nug first week ng klase. kaya second week na lang ako nakapasok uli. unexpectedly, kaklase ko pala sila si Kris at Lani na classmate ko rin nung second year ako. masaya sila nung nalaman nilang magkakaklase na kaming tatlo. sa sobrang tuwa namin nang malaman namin na magkaklase pala kami ay nabulahaw ang ibang mga kaklase namin.

"Sis, (tawagan namin) may ipapakilala ako sayong pogi na classmate natin" ani Lani.

"Oo nga Sis, for sure makakalimutan mo na si Von because of him" ani Kris

"Ano ba kayo?, hindi naman kami ni Von para magmove on no? kayo talaga" sabi ko

Sabay tinuro ni Lani ang lalaking tinutukoy niya. nagulat ako na pogi nga ang lalaking sinasabi ni Lani.

"chie, ito pala yung friend namin. siya rin yung bagong classmate natin" sabi ni Lani

"owh!..hi!..Archie pala. and you are?" tanong ni Archie

"Renz pala" sagot ko

natuwa ako sa pagiging nice ni Archie sa akin. tinignan ko sila Lani na ngumingiti sa akin na parang may nais ipahiwatig.

"oh..Lani, ano na naman yang ngiting yan?" tanong ko

"hmm..gwapo si Archie. mabait. boyfriend material" sabi ni Lani

"ha??what do you expect? maiinlove ako kay Archie?" tanong ko

"hmm...pwede rin if you want to." sabi ni Lani

"OMG? for sure crush din siya ng mga girl classmates natin, including you" sabi ko

"well..infairness ha, magkamukha kayo..para kayong pinagbiyak na bunga" sabad ni Kris

"ows, really?" tanong ko.

"oo nga pareho kayong maputi, matangkad." ani Kris

hindi ko pinansin ang sinabi ni Kris. baka binibiro lang nila ako. nahinto ang biruan namin ng dumating na ang teacher namin sa Economics.

"Good Afternoon Class" sabi ng Teacher namin

"Good Afternoon, Mam" sagot ng lahat

"Ok Sit Down" sagot ni Teacher

"Ay Mam!, may bago po pala kaming kaklase, at bago niyo rin pong estudyante" ani Kris

"who is that Kris?, can you let him/her stand?" tanong uli ng teacher namin

"yes mam. oh Renz, tayo daw" ani Kris.

tumayo naman ako..

"Pwede mo bang ipakilala ang sarili mo sa amin Renz?" tanong ng Teacher namin

Nagpakilala naman ako. natuwa ako sa mainit na pagtanggap ng mga classmates ko sa akin. at agad akong bumalik sa aking upuan.

"wow...Renz, magkapatid ba kayo ni Archie?" tanong ng teacher namin

"hindi po" sagot ko

"talaga?" tanong uli ng teacher namin.

"opo mam. pero sabi ni Kris na halos magkahawig daw kami" sabi ko

"ok, Renz, alam mo na ba kung sino ako" tanong ng teacher namin

"opo mam. actually familiar po kayo sa akin. kasi kayo po yung teacher/adviser ng kuya ko before" sagot ko

after noon ay nagdiscuss na ang teacher namin about sa topic for today. as usual ay tahimik ang lahat, hanggang sa nagpa quiz na. after ng quiz ay homework. pagkatapos ng klase ay balik kami sa dating pag iingay.

"sis, sabay tayo umuwi ha...lakarin natin hanggang sa sakayan" sabi ni Lani

"sure. why not? sanay ata ako sa lakaran" sagot ko.

"mas masasanay ka sa paglalakad if malalaman mo pa kung sino ang makakasabay natin" sagot pa ni Lani

"hmm...sino ba yung makakasabay natin? tanong ko

"eh di si Archie!..hahaha" sagot ni Lani

"talaga lang ha?, baka pinagtitripan niyo lang ako" sagot ko

hindi lang sina Kris ang naging friends ko sa section namin, maski ang mga bakla roon ay naging close ko na rin..mababait rin sila tulad nina Kris. since friend din naman nina Kris yung mga baklang yun ay nakipagkaibigan na rin ako sa kanila.

"hi! im TJ" sagot ng isa

"hi im rolando" sagot pa ng isa

"hi im Hernan" sumagot pa ang isa

"hello...im Renz pala" sagot ko.

hanggang sa may isang teacher na pumasok sa section namin. im not aware kung teacher rin ba namin siya o hindi. basta pagpasok niya ay biglang natahimik ang lahat sa klase.

No comments: