Wednesday, March 13, 2013

BUHAY SILAHIS PART 6

Nakauwi na ako sa amin pagkatapos ng lakad namin nina Virgie at Fonda. Imbes na matuwa ako sa nangyari sa amin ni Joe ay naisip ko na naman ang resectioning na magaganap sa pagsisimula ng ikalawang semester.

Namimiss ko sila Kris at Lani na kaibigan ko na simula noon third year. pero mahihiwalay ako sa kanila sa 2nd sem. pero kasama ko naman ang mga classmates kong bading na sina Hernan, TJ at Rolando, pati na rin sila Archie at ilan naming mga classmate na lalaki.

Ilang araw na ang nakalipas ay simula na ng 2nd sem. iba pala ang feeling pag nagkahiwa hiwalay kami ng section ng mga classmate/friends ko. panibagong adjustments na naman ito for sure. dahil bago na naman ang magiging kasama namin sa klase.

Masaya naman sila TJ kasama, at nakakaaliw pa. lalo na pag samahan pa ni Hernan. si Rolando kasi ay seryoso sa pag aaral pero may time na nagiging komedyante siya. si Archie naman ay naging malapit na sa ibang lalaking classmates namin at hindi na kami masyadong nakakapag usap tulad noon.

Dahil sa bagong environment na naman ang kabibilangan ko, ay nagbagong ayos ako. Kung dati ay nakaback pack ako, ngayon ay naka shoulder bag na. Ginaya ko na rin kasi ang ayos nila TJ at Hernan na talagang babaeng babae na tignan. pero never akong nag make up tulad nila. hanggang pulbo lang ako. Nang nakita ako ni Archie na ganon ang ayos ko ay parang nag iba ang tingin niya.

Pero hindi ko inintindi ang tingin sa akin ni Archie na ganon. alam ko naman na kaya ganon ang tingin niya dahil hindi siya sanay na ganon ako. kilala niya ako na kahit tagilid ako ay ayos lalaki pa rin ako. Nung breaktime ay pumunta ako sa classroom nila Kris, kasama sina TJ, Hernan at Rolando. Binati ko sila at nagulat sa naging pagbabagong anyo ko. Pero sa kabila noon ay nirerespeto pa rin nila ako at minamahal bilang kaibigan.

Pumasok ako sa classroom nila at nakita ko si Scott na busy sa pag aaral. Hindi ko na siya inabala, Pero nagulat ako nang tumingin siya sa akin.


 Hindi ko alam kung na TURN ON ba siya sa akin o na TURN OFF din tulad ni Archie.

Pero maayos pa rin naman ang pakikitungo ni Scott sa akin. hindi katulad ni Archie na parang ilang na, tulad ng pagka ilang sa akin ni Von noon noong nalaman niya na bading ako.

"Oh kamusta ka naman?" tanong ni Scott sa akin.

"Mabuti naman Kuya. ayun ok naman ang mga bagong kaklase namin" sagot ko sa kanya

Pagkatapos niya akong kamustahin ay balik uli si Scott sa ginagawa niya. ang pag aaral. kilala kasi si Scott na subsob sa pag aaral since nanggaling naman siya sa higher section noon. Kaya para sa iba naming mga kaklase ay matalino si Scott. Balik naman ako kila Kris at Lani na nagtsitsikahan sa labas. Nakipagkwentuhan ako sa kanila kung kamusta naman ang bagong section nila.

"Masaya pero Malungkot eh" ani Lani

"Oo nga, mixed emotions kumbaga" sagot naman ni Kris

Naiintindihan ko ang nararamdaman nila. Ganun kasi ang feeling ko, kung kailang nasanay ka na makasama sila ay biglang babaguhin ang environment mo. Pero sabi nga nila noon pwede naman naming dalawin ang isat isa o sila ang dumalaw sa amin.

After few minutes ay bumalik na kami sa classroom namin, parating na raw kasi ang teacher namin ayon sa bago naming kaklase kaya umalis na ako at nagmadaling pumunta sa classroom namin. Wala rin namang pinagbagong pamamaraan ng pagturo, Recap, then Lecture at quizzes na. tapos magbibigay ng homeworks kung meron man. Ganon lang naman ang scenario hanggang sa dumating na ang oras ng uwian.

Class Dismissed na, ika nga. kaya punta agad ako sa classroom nila Kris at Lani para may makasabay akong umuwi. Hindi pa rin naman nawawala ang ugali naming sabay sabay uuwi, kakain bago umuwi. kasama ko pa rin sila Lani, Kris at Scott pati ang classmate ko na si Cammy na malapit kay Scott. Hanggang sa nakasakay na sila Scott ay ramdam ko pa rin na iba na si Archie ngayon. ilang na siya sa akin. kaya si Cammy na lang ang kasabay ko sa pag uwi magmula non.

Habang naglalakad kami pauwi ay nagsalita na si Cammy.

"Renz, type mo ba si Kuya Scott?" tanong ni Cammy

nagulat ako sa tanong na yun ni Cammy.




"Cammy, Anong tanong ba naman yan?" sagot ko

"Iba kasi ang tingin mo sa kanya. Simula nung tinitigan ka niya ng mata sa mata" sagot ni Cammy.

"Wala yun, ano ka ba? Kung magka crush man ako sa kanya eh i thin ok lang. Matalino kasi siya at Mabait." sagot ko

"So...ibig sabihin crush mo nga siya?" tanong ni Cammy

"Sige. sasagutin ko ang tanong mo. Pero sana lang hanggang sa atin nalang ito ha. Maaasahan ko ba yun Cammy?" sabi ko

"Oo. sige na. Sagutin mo lang ang tanong ko" sabi pa ni Cammy

"Oo. Crush ko si Scott. Pero hanggang paghanga lang yun. Hindi ibig sabihin na mahuhulog ako sa kanya. For sure hindi papatol sa akin yun" sagot ko

"Tama ka dyan" ani Cammy

Natahimik ako pagkatapos ng pag amin ko kay Cammy, Halos pinagpawisan talaga ako nung mga oras na yun. Pinagdadasal ko na sana hindi sabihin ni Cammy ang mga sinabi ko sa kanya.

Hanggang sa pag uwi ko ay naiisip ko pa rin ang pag amin ko kay Cammy na crush ko nga si Scott. Alam ko kasi na malapit si Cammy kay Scott kaya posible rin na sabihin niya yun kay Scott na naging kuya ko sa school at crush ko rin at the same time. Tinatanong ko ang sarili ko kung tama lang ba na inamin ko kay Cammy ang totoo o dapat hindi ko na lang sinagot yung tanong na yun ni Cammy.

Kinabukasan ay kinakabahan ako. Iniisip ko na sana hindi sabihin ni Cammy na crush ko kay Scott. Ayoko mawalan uli ng kaibigang lalaki. Lumayo na nga ang loob ni Archie sa akin eh mawawala pa si Scott sa akin. Pumasok ako sa school. nakita ko na magkasama si Scott at si Cammy. Kinakabahan ako that time na baka sinabi na ni Cammy kay Scott na crush ko siya. Sinabi ko sa sarili ko na mananagot si Cammy sa akin if ever na pinagkalat niya na crush ko ang kaibigan nilang si Scott.

Imbes na kabahan ako ay dumiretso na lang ako sa classroom namin. At nasa labas sila Hernan at TJ na nagkukuwentuhan tungkol sa mga kabaklaan. Nakita ko si Rolando na subsob talaga sa pag aaral. Nakita ko rin si Archie na tuluyan na talagang umiiwas sa akin. Kaya umupo na lang ako sa upuan ko hanggang sa dumating na ang teacher namin.




Dumating na nga ang teacher namin. Tulad ng nakasanayan ay Recap, Lecture at Quizzes. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay lumabas muna saglit ang teacher namin. At muling naging maingay ang classroom namin. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may bumato sa akin ng papel. Hindi ko alam kung sino ang may gawa non hanggang sa sinabi na lang sa akin ni Hernan na sila Archie ang gumawa non.

Nag iba na talaga si Archie. Pero maayos pa rin naman ang pakikitungo niya sa ibang bakla kong mga kaklase, maliban lang sa akin. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita pala ng teacher namin yung nangyari. Dahil doon ay pinagalitan sila Archie. Sinabi ng teacher ko na mag sorry sila sa akin.

Humingi nga ng dispensa sila Archie.Pero halatang walang sinceridad ang ginawa niyang iyon. halatang napipilitan siya na gawin ang bagay na yun. Tanggap ko na talaga ang katotohanang nagbago na nga si Archie.

Pagkatapos ng klase ay lumabas muna ako ng classroom. Hindi ko maikakailang naoffend ako sa ginawang yun nila Archie. Hanggang sa pumunta ako kila Kris at Lani at nais ikuwento ang pangyayari.

Pagsapit nang oras ng uwian ay pumunta uli ako sa room nila Kris. dahil tulad ng nakasanayan ay sabay sabay kami umuuwi nila Kris, Lani, Scott at iba pang mga kaklase ko. Hindi na sumasabay si Archie sa amin.

Hanggang sa may sariling topic na pinag uusapan sila Scott at Cammy ay kinausap uli ako ni Kris sa nangyaring pambabato nila Archie sa akin. Malungkot si Kris sa nangyari at hindi siya makapaniwala na kayang gawin yun ni Archie sa akin.

"teh, tanggap ko na nga na nag iba na si Archie sa akin" sabi ko

"pero hindi niya dapat gawin yun sayo teh" sagot naman nila Kris

hanggang sa lumapit sila Scott sa amin na parang gustong makiusyoso sa usapan namin ni Kris.

No comments: