Wednesday, March 13, 2013

BUHAY SILAHIS PART 3

"ok class quiet!, i have an announcement for you" sabi ng teacher

tumahimik nga ang lahat. ang nagsalita na ang teacher na yun

"wala yung susunod na teacher niyo. pero hindi ibig sabihin noon ay makakauwi na kayo. antayin niyo pa muna ang uwian bago kayo makauwi" sabi ng teacher

pagkatapos ng anunsiyong yun ay umalis na ang teacher. so back to kwentuhan naman kami ng mga friends ko. para hindi naman kami mainip sa pag aantay ng uwian ay nakipagkwentuhan kami kina TJ, Roland at Hernan na pawang mga bakla.

masaya naman ang chikahan. minsan may mga topic pa na tungkol sa kabaklaan. honestly, hindi ako makarelate doon dahil kumbaga, eh bago pa lang ako. vocal si TJ na crush niya si Archie, coz he's nice.

hanggang sa dumating na nga ang uwian. tulad ng usapan ay sabay sabay kami umuwi ni Lani at yung mga kapatid niya pati na rin si Archie. naglakad kami hanggang sa sakayan ng jeep. nung nakarating na kami doon ay hindi namin iniwan sila Lani hanggang sa hindi sila nakakasakay ng jeep.

10 minutes after ay nagdecide na sumakay si Lani at yung mga kapatid niya. since iisang way lang ang dadaanan namin ni Archie pauwi ay sumabay na ako sa kanya. tahimik lang ako noon. hindi ko alam ang sasabihin ko. hanggang nagsalita si Archie nang ganito

"taga saan ka ba?, malapit ka lang ba dito?" tanong niya.

"hmmm...mejo, ilang minutong lakaran lang naman" sagot ko

hanggang sa patuloy ang paglalakad. muli na namang nagsalita si Archie

"oh sige tol, ingat ka sa pag uwi mo ha" sabi ni Archie

"ok..sige" sagot ko

ako na lang ang nag iisang naglalakad. pero naappreciate ko yung sinabi ni Archie. pakiramdam ko na mas matu turn off ako sa kanya. pero hindi ako pwede ma inlove kay archie. lalaki siya. bakla ako pero lalaki ako sa mata ng diyos. kaya naisip ko na maging happy ako na maayos ang pakikitungo ni Archie sa akin.

nakauwi na ako sa bahay. natulog at nagising kinaumagahan. pinaghahandaan uli ang klase sa araw na yun. pagdating ng oras ng pasukan ay nakita ko ang kaklase kong bading nung 1st year at 2nd year. hindi ko na lang siya pinansin para wala nang gulo. sumigaw siya sa classroom nila na classroom rin namin.

"hoy bakla!" sigaw niya


 lahat ng kaklase ko ay napalingon sa tumawag sa akin na isang baklang mukhang unggoy.

"oh baklang unggoy, anong problema?" tanong ko sa kanya

"ano ulit sinabi mo?, ako baklang unggoy?" sagot ng bakla

"oo ikaw nga. sino pa ba?" tanong ko uli

"walang hiya kang bakla ka" sagot ng bakla

sumugod siya sa akin at sinabunutan. syempre hindi ako nagpatalo. hanggang sa nahinto ang away dahil may ilang kaklase ko na umawat sa aming dalawa. umalis na lang ang baklitang yun

"wow, sis taray mo ha" sagot ni Kris

"ano ka ba, wala pa yun noh...pinagtimpian ko siya ng matagal ngayon lang ako lumaban...hahaha" sagot ko

"amazona ka ateng!" sagot naman ni Lani

"naku, baka nga ma Guidance pa ako eh, hindi ako makagraduate ng high school" sabi ko

hanggang sa dumating na ang teacher namin for our first subject. as usual, lecture, quizzes lang naman ang scenario sa tuwing may klase kami hanggang sa matapos na lang ang last subject namin. Lumapit si Scott na isa kong ring kaklase

"pwede ba sumabay sa inyo mamaya?" tanong ni scott

"ah..eh..sure. the more, the merrier!..hahaha" sagot ko

sumabay nga si scott sa amin pag uwi. as expected eh kwentuhan habang naglalakad lang ang scenario namin hanggang sa makarating na kami ng sakayan ng jeep. kahit marami nang jeep ang dumaan eh hindi pa rin sumasakay ng jeep sila Lani at Scott. siguro he wants to enjoy na makasama kami ng matagal...hahaha

fifteen minutes after ay sumakay na si Lani. at sumakay na rin si Scott. hanggang sa kami na naman nina Archie ang natira. as usual naglalakad kami ni Archie hanggang sa makauwi na siya sa bahay nila. isang araw na lang at wala na namang pasok..yehey!

kinabukasan ay papasok na naman ako para sa klase namin. ganon pa rin ang routine namin na kapag may teacher, lecture at quizzes. after that mag iingay muna. hanggang sa napansin ko na lang na nakatingin si Scott na siya rin palang tinuturing na kuya ng section namin.


 hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang tingin ni Scott sa akin, na tinuturing pa naman na kuya ng section namin. Lumabas muna ako ng classroom namin since wala pa naman kaming teacher, busy sina Lani at Kris sa pakikipagtsikahan sa mga ibang kaklase namin. pero ilang minuto lang ang nakakalipas ay pakiramdam ko na may tao sa likod ko. pagkalingon ko, ang taong nasa likod ko pala ay si Kuya Scott!

hindi ko na siya tinanong kung bat lumabas rin siya. dahil tinitigan lang niya ako ng mata sa mata. hindi ko alam ang ibig sabihin noon at imposible naman na kaya niya ginagawa yon para mapaamin niya na type ko siya.

Pero hindi. Mabait siya?, Oo. Matalino siya?, Oo rin. pero hindi ibig sabihin noon eh type ko siya. kung magiging crush ko siya bukod kay Archie eh okey lang. crush lang naman yun eh.

Pumasok na ako uli sa classroom namin. nakipagchikahan na ako sa mga friends ko na sina Hernan, TJ at Rolando. nakakatuwa silang kasama. kung seryoso masyado si Rolando sa pag aaral ay kalokohan naman at pagpapaganda ang hobby nina TJ at Hernan. hindi ko gaano nakakausap si TJ dahil may mga friends din siyang bading sa ibang section kaya si Hernan na lang ang close kong bading sa section namin bukod pa kay Rolando.

Dumating na ang time ng uwian at sinuot ko ang scarf ko. syempre nakita nila archie at scott yon and i hope na ok lang na nakaganon ako. pero ilang minuto lang ay nagdecide ako na tanggalin ang scarf ko. unfortunately ay nilipad ito at sumabit sa gate ng isang bahay. worried ako na baka hindi ko makuha yung scarf na yun na nakita ko lang sa bahay.

Sinubukan ni Scott na makuha ang scarf ko. Mabuti na lang at successful siya sa pagkuha non. sinoli niya sa akin at siyempre, nagpasalamat ako. as usual nakasakay na sila scott at lani ay umuwi na rin kami nila Archie.

Wala namang pasok kinabukasan kaya late na ako natulog. pagkagising ko ay gawa muna ng ilang gawaing bahay at gawin ang mga homeworks. Kinagabihan ay natapos ko na ang lahat ng homeworks ko at may tao na tumawag sa akin sa labas. Pumunta ako sa gate namin at may nakita akong tao doon.

"ui, baks rampa naman tayo" sabi ng baklang yun.

No comments: