Wednesday, March 13, 2013

BUHAY SILAHIS PART 9

Kahit alam ko sa sarili ko na bakla ako ay wala talaga sa plano ko na magsasasali sa Miss Gay, mag aayos at kikilos na parang isang babae. Hindi pa rin mawala sa isip ko na dahil lang sa ganong gawain ko noon ay masisira at mapupunta lang sa wala ang pagkakaibigan namin ni Archie.

Hanggang sa umuwi na lang ako sa bahay ay naiisip ko pa rin na posibleng tampo o sama ng loob nila Virgie sa akin dahil sa nawawalan sila ng pagkakataon na matikman ang lalaking pinakaaasam nila. Si Joe.

Kinaumagahan, simula na naman ng buong araw. Dahil sa bakasyon naman ay tumutulong ako kila mama sa mga gawaing bahay. Hanggang sa sumapit na ang hapon ay walang tumatawag sa akin para lumabas. Naisip ko na tuloy na talagang may tampo sila Virgie sa akin. Kung tutuusin ay hindi ko naman kasalanan kung bakit sa aming tatlo nila Virgie ay ako pa ang napili ni Joe na nais tumikim sa kanya.

Pagkalipas ng ilang oras ay wala pa ring Virgie at Fonda na sumusundo sa akin sa bahay para ayaing gumala. Hindi ko naman masasabing "threat" ako sa kanila dahil hindi naman ako gabi gabing gumagala. Nakakagala lang ako ng gabi pag sinama ako nila Clara.

Kinagabihan ay nalibang nalang ako na magbasa ng mga libro kesa isipin ko ang sama ng loob nila Virgie sa akin. pero umaasa pa rin ako na babalik rin sa dati ang friendship namin nila Virgie. Ayoko nang mawalan ng kaibigan dahil minsan na akong nawalan noon.

Kinabukasan, ay bagong araw na naman. Umaasa pa rin ako na bumalik uli ang friendship namin nila Virgie. Nasanay na rin kasi ako na gumalang kasama nila. Manlalalaki na kasama nila. Makatikim ng pagkalalaki na hindi na kailangang maglabas ni isang kusing.




Habang tumatakbo ang oras ay wala pa rin akong ginagawa. Ayoko namang mag aral dahil bakasyon nga namin. At katatapos ko lang rin gumawa ng ilang gawaing bahay, maliban sa pagsasaing at pagluluto ng tanghalian na inako na ng nanay ko at ng nakababata kong kapatid.

Hanggang sa nakapagtanghalian kami. Pagkatapos, ay naglipit ako ng pinagkainan at naghugas rin ng pinagkainan namin. Pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto, tumambay at umaasa pa rin na susunduin uli ako nila Virgie. Pagkalipas ng ilang minuto ay may tumawag sa akin mula sa labas.

"Renzzz!" sigaw ng tao sa labas

Pagkarinig ko noon ay alam kong hindi si Virgie ang tumatawag sa akin. Pero kahit hindi nga si Virgie yung tumatawag sa akin ay lumabas pa rin ako para malaman kung sino nga ba ang tumatawag sa akin. Nakita ko ang isa ring bakla, at nagpakilala.

"Hi Renz, ako pala si Olga, friend nila Virgie at Fonda" pakilala ni Olga

"Bat mo ako kilala?, Paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko sa kanya

"Kinukuwento ka nila sa akin., at bukod doon ay nakikita kita sa ilog sa ilailm ng tulay kasama nila Virgie" sagot ni Olga

"Ahh, Ganon ba? Bakit ka napunta dito? Paano mo nalaman na dito ako nakatira? tanong ko uli sa kanya

Naikukuwento ka nga nila sa akin...Ang kulit mo naman" sagot uli ni Olga

"Tsaka pumunta ako dito para isama ka sa ilog na pinupuntahan ninyo" sagot ni Virgie

Hindi ko pa rin pinaalam kay Olga na parang may tampo sila Virgie sa akin dahil napapansin ko na nag iba sila ng pakikitungo sa akin, pero posible rin naman na alam na niya, at naikwento na pala sa kanya nang hindi ko namamalayan.

Hanggang sa umalis na ako kasama nila Olga at nakita ko sila Virgie at Fonda. Nagulat ako nang nakita ko muli sila Virgie. Kinakabahan ako nang nakita ko sila, pero nawala lang yun nung si Virgie na mismo ang nag aya na muling bumalik sa ilog sa ilalim ng tulay.




Lumapit agad kami nung tinawag kami nila Virgie. Pakiramdam ko ay ok na ang lahat at bumalik na sa dati ang friendship namin nila Virgie. Kaya masaya na naman uli ko sa pagtambay sa ilog sa ilalim ng tulay lalo na magkakasama na muli kami.

Ilang minuto ang nakakalipas ay may mga grupo ng lalaki na dumating. Akala ko ay sila Joe yun. Pero habang lumalapit sila sa amin sa ilog ay napagtanto ko na hindi pala sila Joe yun. Sila yung bagong lalaki na makikilala namin, at kung posible ay matitikman rin namin.

Lumapit sa amin ang nagsisilbing lider ng grupo para magpakilala. Nagpakilala naman ang lalaki bilang si Bong, at nagpakilala rin naman sila Virgie sa kanya. pagkatapos non ay pinakilala na rin ni Bong ang mga kasama niyang lalaki.

Pagkatapos namin magpakilala sa isat isa ay agad na rin naligo sila Bong. Sinundan sila nila Virgie at Fonda. Tulad ng kinagawian ay hindi ako naligong kasama nila. Pero sa katagalan ay sumama na rin si Olga na maligo sa ilog. Masaya sila habang naliligo kasama ng mga kalalakihan dahil may tsansa silang makahawak ng pagkalalaki ng iba.

Isang oras na ang nakakalipas ay nakita ako nila Bong na bukod tanging hindi naliligo sa grupo. Kaya bigla siyang umahon at lumapit sa akin.

"Oh ano Bong, ayaw mo ba talagang maligo ha?" tanong ni Bong

"Ahh..Kuya, pasensya na ha, naligo na talaga kasi ako bago pumunta dito eh" sagot ko sa kanya

"Sayang naman, mas marami mas masaya tayo" sagot ni Bong

"Sige lang kuya, manonood na lang ako sa inyo" sagot ko sa kanya

Wala nang nagawa si Bong kundi bumalik na lang sa ilog at maligo uli kasama nila Virgie. Masaya na rin ako na pinapanood silang maligo sa ilog at nakikitang masaya ang mga kaibigan ko sa piling ng mga bagong kakilalang mga lalaki.




Kuntento na ako na nakikita ko sila Virgie na naliligo sa ilog kasama ng mga kalalakihan. Naisip ko rin na sana ay malinis na lang ang ilog na yun para makaligo rin ako kasama ng mga kalalakihan. Pero pagkalipas ng ilang minuto ay agad na ring umahon sila Virgie pati sila Bong at ang mga kaibigan nito.

Pinag uusapan na nila kung kanino mapupunta ang bawat isa. Hindi na ako nakiusyoso sa usapan na yun. At pagkatapos ng ilang minutong pag uusap ay napagkasunduan na si Bong ay mapupunta kina Virgie, yung isang matangkad na lalaki ay mapupunta kay Olga at yung maputi na lalaki naman ang kay Fonda.

Pero may isa sa mga kaibigan ni Bong ang walang kapareha kaya lumapit na lang ito sa akin. Nagpakilala siya bilang si Michael, at nagkakwentuhan. Hanggang sa niyayaya na niya ako na makipag sex sa kanya. Tumanggi ako dahil wala akong maibibigay sa kanya. Pero hindi alintana ni Michael na wala akong pambayad sa kanya.

Habang naglalakad kami sa madamong bahagi ng ilog ay pinapaalala ko pa rin kay Michael na wala akong pera kaya wala akong maibabayad sa kanya. Pero lumingon ito sa akin at nagsalita

"Wala akong pakialam kung wala kang pambayad" sagot nito

"Sigurado Ka, ha?" tanong ko

"Oo nga, taglibog lang ako ngayon, naiinggit ako sa mga kaibigan ko" muli nitong sagot

Dahil doon ay naisip ko na katulad rin pala siya ni Joe na hindi nagpapabayad. Pero tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung sa lahat ba ng bakla ay hindi sila nagpapabayad o sa akin lang. Hanggang sa narating na nga namin ang madamong bahagi ng ilog. Nagputol si Michael ng dahon ng saging at nilapag ito sa lupa. Pagkatapos ay humiga siya at nilalaro niya ang pagkalalaki niya sa harapan ko.

No comments: