Wednesday, March 13, 2013

BUHAY SILAHIS PART 7

"Oh anong pinag uusapan niyo jan Kris?, mukhang seryoso yan ha" tanong ni Scott

"Ah wala yun kuya, may tinatanong lang si Renz sa akin tungkol sa homework" sagot ni Kris

Pagkarinig ni Scott sa sinabing yun ni Kris ay bumalik na siya kila Cammy at muling nakipagkwentuhan sa kanila. Habang kami ni Kris naman ay pinag uusapan rin ang ginawa ni Archie sa akin.

"Alam mo naman 'teh hindi habangbuhay maitatago ko yung nangyari, pwede yung isa sa mga classmate ko ngayon ang magkwento nun sa inyo" sagot ko

hanggang sa nakarating nakaming lahat sa sakayan. Kung kanina ay madaldal ako ngayon ay natahimik na ako. Inantay muna naming makasakay sina Kris at Lani, tapos hinintay din naman naming makasakay na si Scott.

Nang nakasakay na ang lahat, ay kami na lang ni Cammy ang naiwan. Mabuti nalang ay anjan si Cammy ngayong malayo na ang loob sa akin ni Archie. Kung tutuusin ay hindi na ako umaasa pa na maibabalik pa sa dati ang friendship namin ni Archie.

Halos ilang minuto na ang nakakalipas pagkasakay nila Scott ay tahimik pa rin ako. Hanggang sa nagsalita na si Cammy.

"Hoy!, ang tahimik mo ngayon ah" bati ni Cammy

"Ah..Pasensya na may iniisip lang" sagot ko kay Cammy

"Ano ba yun? Yung sinabi mo ba sa akin?, Ah huwag kang mag alala, hindi pa alam ni Scott na lihim mo siyang hinahangaan" sagot ni Cammy

Natahimik ako pagkatapos niyang magsalita. Sa palagay ko ay walang alam si Cammy sa ginawa ni Archie sa akin. Mas mabuti na yun, kesa naman ako na nga ang biktima, ako pa ang mapapasama. Pero sigurado ako na makakarating rin sa kanila ang ginawang pambabato sa akin ni Archie.

Kaya hanggang sa nakauwi na lang ako ng bahay ay iniisip ko pa rin ang nangyaring yun. Pinagdadasal ko na lang na sana maka move on na ako sa nangyari para hindi na ako mahirapan.




Tinatanong ko ang sarili ko kung mapapatawad ko ba si Archie sa ginawa niya. Pero naiisip ko rin kasi na ako rin ang dahilan kung bakit nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Pero naisip ko rin na hindi pala tunay na kaibigan si Archie. kasi kung tunay siyang kaibigan ay tatanggapin niya ako kung ano ako, at kung sino ako.

Kinaumagahan, ay tulala pa rin ako, iniisip pa rin ang nangyari kagabi. Para hindi ko na maisip yun ay tumulong ako sa gawaing bahay hanggang sa dumating na ang oras na kailangang gumayak na para sa pagpasok sa eskwelahan.

Pagdating ko sa eskwelahan, tulad ng inaasahan ay ilang na si Archie sa akin. Pero nawala ang lungkot ko nung umeksena na si Hernan para magpatawa sa amin. Nakapagtataka na maayos ang pakikitungo ni Archie sa mga friend kong bading maliban sa akin.

Hindi lang talaga matanggap ni Archie na ganito na nga talaga ako. Natatakot lang siguro siya na baka magkagusto ako sa kanya kasi karaniwan na sa isang bading na magkagusto sa isang lalaki lalo na kung may itsura. Kaya hinayaan ko na lang na lumayo na ang loob ni Archie sa akin, since anjan pa naman sila Kris at Lani pati na rin sila Scott.

Pagkatapos ng klase ay nag uwian na, tulad ng nakagawian ay kasabay ko sila Cammy, Scott. Lani at Kris pati na rin yung ibang mga kaklase namin. masaya kaming naglalakad mula sa eskwelahan hanggang sa sakayan ng jeep. Pagkalipas ng halos kalahating oras ay umuwi na rin ni Cammy. At bigla niya akong kinausap.

"Renz, may gusto ka ba kay Kuya Scott?" tanong ni Cammy

"Nasagot k na yan noon ha. Bakit mo naitanong ulit?" tanong ko

Natahimik si Cammy sa sinabi kong iyon.


 "Oh Cammy, nanahimik ka dyan?" sabi ko

"Ah..sensya na. May itatanong lang ako sayo Renz, kung ok lang sayo" sagot ni Cammy

"Hmm, ano yun Cammy? Go Ahead. Sasagutin ko yang tanong mo as long as alam ko ang sagot sa tanong mo" sabi ko

"Type mo ba si Kuya Scott, Renz?" tanong uli ni Cammy

Hindi ko alam kung madidismaya na naman ba ako. Pero naisip ko na mas mabuti na sagutin ko nalang ang tanong na yun ni Cammy.

"Cammy, alam mo siguro na crush ko lang si Scott. Humahanga lang ako sa kanya because he's kind and intelligent person. dagdag mo pa yung pagka mature niya" sagot ko

"Ah, Okey. Mabuti." sabi ni Cammy

"Ah..Bakit Mabuti?" tanong ko

"Kasi may pagkakaalam ko may GF na si Kuya Scott" sagot uli ni Cammy

"So? Hindi kaso sa akin yun Cammy, masaya ako sa friendship namin ng Kuya Scott mo, kung may GF siya, i'm happy for him" sabi ko sa kanya

Natahimik na naman si Cammy sa sinabi kong yun.

Ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay tahimik pa rin si Cammy. Hanggang sa muli ako nagsimula ng isang paksang pwedeng pag usapan.

"Oh, Cammy nabalitaan ko na once na naging Junior Guidance ka eh may dagdag na grades sa MAPEH. so gusto mo ba na mag junior guidance?" tanong ko

"Syempre naman, Try ko rin kumbinsihin sila Kuya Scott pati sila Kris" sabi ni Cammy

Pagkatapos ng usapang yun ay lumiko na si Cammy, hindi namin namalayang pareho na narating na namin ang kantong papunta kina Cammy. Kaya ako na lang uli ang mag isang naglalakad pauwi. Naiisip ko tuloy ang tanong ni Cammy sa akin. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit naitanong ni cammy sa akin yun? may nararamdaman ba siya kay Scott?

Hanggang sa pag uwi ko na naman sa bahay, ay palaisipan pa rin sa akin ang pagtatanong ni Cammy sa akin kung may feelings ba ako para kay Scott.


 Tinatanong ko rin ang sarili ko kung may feelings ba ako for Scott. Pero naniniwala ako na wala akong feelings para sa kanya. Friends lang talaga kami and so far, satisfied ako sa friendship na meron kami ngayon. Then kung may GF nga siya eh, that's good for him. coz everyone has the right to become happy.

Kinaumagahan, ay naiisip ko pa rin yung tanong ni Cammy. parang gusto ko nang isipin na type ni Cammy si Scott. Kakaloka siya, yung pagkahumaling niya kay Scott, ipasa ba niya sa akin?

Excited ako sa nalalapit na christmas vacation namin. Ilang araw nalang ay pahinga muna sa pag aaral. Ibig sabihin din ay makakagala ako kasama nila Virgie at makakakilala ng mga bagong lalaki. Makakatikim ng bagong lalaki na hindi naglalabas kahit piso.

Pagkatapos ng ilang oras ng pagtutunganga ay naggayak na naman ako para sa pagpasok sa eskwelahan. Tulad ng nakagawian ay pupunta muna ako sa classroom namin at iiwan ang gamit. Pagkatapos ay pupuntahan sila Kris at Lani para mangamusta.

"Oh friend, musta kayo ni Archie?" tanong ni Kris

"Ah, si Archie ba?"tanong ko kay Kris

"Oo, si Archie nga" sagot ni Kris

"Hindi parin ba kayo okey? Ilang pa rin ba siya sayo?" tanong ni Lani

"Hayaan mo na yun. Kung ayaw ng tao sa akin, huwag pilitin" sagot ko sa kanilang dalawa.

Nahinto ang usapan namin nang dumating na ang teacher nila Kris at nagpasya nalang na bumalik sa classroom namin.

Bumalik na nga lang ako sa classroom namin, pero wala kaming teacher kaya kulitan na lang kami ng mga classmate kong bakla. Pero sa pagkakataong ito ay kasama na si Rolando sa kulitan. Kung sa bagay, wala namang exams or recitation na dapat paghandaan. Isang linggo nalang ay Christmas Vacation na. Habang nagtatawanan kami nila Rolando at Hernan ay napasilip ako sa grupo nila Archie.

Nakita ni Archie na tinitignan ko siya. Pero agad rin siya bumalik sa mga kaibigan niyang lalaki na classmate ko rin. Talagang hindi na maibabalik sa dati ang friendship namin ni Archie.

No comments: